Tuesday, December 19, 2006

Guangdong Update Day 2: First day high and low

GUANGDONG UPDATE DAY 2

I'm back from my double calls today. Did 4 companies with Tyler: 3 DVR makers and 1 gas detector maker. Everything went well with the interviews. The companies were accommodating. Hirap pala ng trabaho ng writers natin -- not for the volume but because it gets boring after asking the same questions to more than one company. The advantage of doing LRs on DC rather than supplier interviews is that you get to see the differences of the companies of the same product line. Sa SI naman, may variety pero limited yung nakukuha mong knowledge sa products.

Ces, sorry ha, yung mga anik-anik na binigay ni Lynnie, yung maps lang ang tiningnan ko pero clueless ako sa connection ng Swisbel at office kasi hindi naman clear yung subway station doon (naka-box kasi). Di ko agad nakita yung sketch mo, kagabi nalang. Malinaw pa sa salamin. Kaso, as usual, tanga-tanga ako (why do I have a problem with coins?). Sa subway kanina, I tried getting a token in the vendo machine, nilalabas yung coin. So kinausap ko na yung guard, na hindi ako naintindihan. Nirefer ako sa booth lady, at hindi rin kami konek. So pinakita ko sketch mo at sabi ko "Guoguangyuan" (I pronounced it as is). Blanko ang tingin sa akin. So I tried signaling to her na niluluwa ng machine ang coin ko. Sabi niya, "Do you have renminbi?" Pinakita ko coin na hinulog ko. "This". Nag-smile siya. "That's not renminbi." Pagtingin ko sa coin, wala ngang Yi Yuan na nakasulat. Napabulalas ako, "Huh? What's this?" Siya sumagot. "I think it's Baht."

Mama! Pano kaya nagkaroon ng baht yung renminbi ko? Anyway, galing ito sa mga pile of coins ko na tira-tira ng past trips, so malamang naisama ko yung tira kong baht sa rmb, but I was very sure i checked the coins isa-isa bago ko nilagay sa wallet. So ayun, balik kami ni guard sa vendo machine with the proper coins this time, at ok na. Panay ang ngiti ng loko sa akin siguro sabi niya eng-eng naman ng batang 'to. Nasa subway train na ako nang malaman ko ang proper pronunciation ng coco mall station, nung i-announce ng voice-over. It's go-gang-yen. Kaya pala blanko ang tingin ni booth lady sa akin.

Na-meet ko na si Kevin. I didn't have time to see anyone else kasi naghintay lang ako sandali then umalis na kami ni tyler. Yung 2nd company na pinuntahan namin, na-deja vu kami nung supplier. Nagkatinginan kami then sabi niya "Have we met before?" Sabi ko, "I think we have because you look familiar." Whoa! Haha! Matanda na po siya so no excitement here. Pero sure ako nainterview ko na siya pero parang hindi sa company na yun. Matagal interview namin at naglunch pa siya with us, pero di namin talaga ma-trace kung san kami nagmeet. Basta sabi niya imposibleng before siya magjoin sa company na ito kasi nasa Canada siya. So baka nga napuntahan ko na ito before.

Sa fourth company, grabe ang smell ng usok. Habang naghihintay kami sa contact, medyo napansin na namin ni Tyler na parang galing mismo sa aircon yung smell ng yosi smoke. Habang tumatagal, nagkoconstrict na yung throat ko. Sa kalagitnaan ng interview, naallergy na talaga ako. Parang hirap ako huminga. Runny nose na, at nagsa-sound ngongo na ako. So I was talking with my hanky in my nose. Napansin na rin ni Tyler na yung usok nga yon. Bigla kasi siyang hinatsing. Pero pag-alis namin sa company, unti-unti na nagclear ang nose ko at ngayon ok na.

Plano ko lumabas sandali sa likod ng Oriental Ginza. Tingnan ko lang if I can find some cheap dinners na clean naman. May grocery ba dito, Ces?

Lynnie, I brought my T1s so I'll try to work on them tonight. Will let you know by morning kung ano yung hindi ko nakaya tapusin. But definitely yung Overview ko hindi ko na kakayanin in time for DTP. On our way to a supplier, nakita ko yung Windows of the World. Mukhang cute. Pero di ako sure kung mapupuntahan ko siya. Medyo tamad ako maglibot ngayon; tsaka marami muna akong tatapusin.

Ces, yes, sumasayaw talaga ako pero pang-xmas lang ang mga presentations hehe. I love to dance, kaya nung nag-vertigo ako at medyo na-limit ang paggalaw ko, nalungkot akong isipin na baka hindi na ako makasayaw tulad ng dati. Jazz kasi ang favorite ko. Eh baka mahilo ako. Pero babalik din yun, gradually, I hope...we missed you at the party. You're right, it was much more fun, not just our dance and the presentations but everything in general. It was a good party, and Armando was a great sport. If only for that, I admire him more.

Mel, manageable ang lamig. Parang Baguio/Tagaytay. Pag may araw, mas maganda kasi halo ang cold at warm. Iniwan ko sa car yung coat ko most of the time kasi ok lang just to wear your blazer. Hindi masyadong maginaw. Wag lang uulan, tulad ng sabi ni Lynnie.

Ok, nakapag-pahinga na ako. Labas lang ako sandali then go back and attack these T1s. Till tomorrow!....or later, baka andiyan pa kayo pagsend ko.

No comments:

I'm Sooo Back!!!

I really don't recall why I stopped blogging. Was I b usy? Had too much work? A lot happening in my life? I have totally no recollection...